The Bible › Banal na Bibliya › Numbers 7

Numbers 7:10

Inialay ng mga pinuno ang kanilang mga handog para sa pagtatalaga ng altar sa araw na binuhusan ni Moises ng langis ang altar. Inialay ng mga pinuno ang kanilang mga handog sa harapan ng altar.

Numbers 7:10 · Banal na Bibliya

← PreviousRead Numbers 7Next →

Numbers 7:10 in other translations

KJV King James Version

And the princes offered for dedicating of the altar in the day that it was anointed, even the princes offered their offering before the altar.

BSB Berean Standard Bible

When the altar was anointed, the leaders approached with their offerings for its dedication and presented them before the altar.

WEB World English Bible

The princes gave offerings for the dedication of the altar in the day that it was anointed. The princes gave their offerings before the altar.

Every translation above is public domain and free to share. Other versions — NIV · ESV · NKJV · NLT · NASB · CSB · AMP — are copyrighted and open on their publishers’ partner site.

In context

7 Ibinigay niya ang dalawang kariton at apat na lalaking baka sa mga kaapu-apuhan ni Gerson, dahil sa kailangan ng kanilang gawain.

8 Ibinigay niya ang apat na kariton at walong lalaking baka sa mga kaapu-apuhan ni Merari, sa pangangalaga ni Itamar na anak na lalaki ni Aaron na pari. Ginawa niya ito dahil sa kailangan ng kanilang gawain.

9 Ngunit wala siyang ibinigay sa mga bagay na iyon sa mga kaapu-apuhan ni Kohat, dahil sa kanila ang mga gawaing nauukol sa mga bagay na nabibilang kay Yahweh na kanilang papasanin sa kanilang mga balikat.

10 Inialay ng mga pinuno ang kanilang mga handog para sa pagtatalaga ng altar sa araw na binuhusan ni Moises ng langis ang altar. Inialay ng mga pinuno ang kanilang mga handog sa harapan ng altar.

11 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Dapat ialay ng bawat pinuno ang kaniyang handog sa kaniyang sariling araw para sa pagtatalaga ng altar.”

12 Sa unang araw, inihandog ni Naason na anak ni Aminadab mula sa tribu ni Juda ang kaniyang handog.

13 Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil ang mga bagay na ito.

Read Numbers 7 in the app The whole chapter

Search the Scriptures

Choose a translation

KJVBSBWEBNHEBASVYLTDBYWBTBBEEBRGNVDRALUTCANRIVLSGRVABPMYORIGBSWATGLIRV