The Bible › Banal na Bibliya › Matthew 21
At iniwan sila ni Jesus at nagtungo sa lungsod ng Betania at natulog doon.
Matthew 21:17 · Banal na Bibliya
← PreviousRead Matthew 21Next →
And he left them, and went out of the city into Bethany; and he lodged there.
Then He left them and went out of the city to Bethany, where He spent the night.
He left them and went out of the city to Bethany, and camped there.
Every translation above is public domain and free to share. Other versions — NIV · ESV · NKJV · NLT · NASB · CSB · AMP — are copyrighted and open on their publishers’ partner site.
14 At pumunta sa kaniya sa templo ang mga bulag at mga lumpo at sila ay pinagaling niya.
15 Subalit nang makita ng mga pinunong pari at ng mga eskriba ang mga kamanghamanghang mga bagay na kaniyang ginawa, at nang mapakinggan nila ang mga bata na sumisigaw sa templo at nagsasabi, “Hosana sa anak ni David,” sila ay lubhang nagalit.
16 Sinabi nila sa kaniya, “Narinig mo ba kung ano ang sinasabi ng mga taong ito?” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Oo! Ngunit hindi ba ninyo nababasa, 'Na mula sa mga bibig ng mga sanggol at mga sumususo pa lamang ay ginawa mong ganap ang papuri'?”
17 At iniwan sila ni Jesus at nagtungo sa lungsod ng Betania at natulog doon.
18 Kinaumagahan nang pabalik na si Jesus sa lungsod, nagutom siya.
19 Nakakita siya ng puno ng igos sa tabi ng daan. Pinuntahan niya ito, subalit wala siyang nakitang bunga kundi mga dahon lamang. At sinabihan niya ito, “Hindi ka na magbubunga mula ngayon at magpakailan man.” Kaagad-agad ang puno ng igos ay natuyo.
20 At nang makita ito ng kaniyang mga alagad, namangha sila at sinabi, “Paanong ang puno ng igos ay kaagad-agad na natuyo?”
Read Matthew 21 in the app The whole chapter