The Bible › Banal na Bibliya › Mark 10
Ngunit marami ang nauuna na mahuhuli at ang nahuhuli ay mauuna.”
Mark 10:31 · Banal na Bibliya
But many that are first shall be last; and the last first.
But many who are first will be last, and the last will be first.”
But many who are first will be last, and the last first.”
Every translation above is public domain and free to share. Other versions — NIV · ESV · NKJV · NLT · NASB · CSB · AMP — are copyrighted and open on their publishers’ partner site.
28 Nagsimulang magsalita sa kaniya si Pedro, “Tingnan mo, iniwan namin ang lahat at sumunod sa iyo.”
29 Sinabi ni Jesus, “Totoo ang sinasabi ko sa inyo, walang sinuman ang nang-iwan ng bahay, mga kapatid, ina, ama, mga anak, o mga lupain alang-alang sa akin at alang-alang sa mabuting balita,
30 ang hindi makatatanggap ng isandaang ulit pa ng mga ito sa mundo ngayon: mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak at mga lupain na may mga pag-uusig, at sa mundong paparating, ang buhay na walang hanggan.
31 Ngunit marami ang nauuna na mahuhuli at ang nahuhuli ay mauuna.”
32 Nasa daan sila, paakyat sa Jerusalem at nauuna si Jesus sa kanila. Namangha ang mga alagad at ang mga sumusunod ay natatakot. At muling ibinukod ni Jesus ang Labindalawa at nagsimulang sabihin sa kanila ang nalalapit na mangyayari sa kaniya,
33 “Tingnan ninyo, pupunta tayo sa Jerusalem, at ihaharap ang Anak ng Tao sa mga punong pari at sa mga eskriba. Hahatulan nila siya ng kamatayan at ibibigay siya sa mga Gentil.
34 Kukutyain nila siya, duduraan, hahagupitin at kanilang papatayin. Ngunit mabubuhay siya pagkatapos ng tatlong araw.”
Read Mark 10 in the app The whole chapter